Tuesday, November 16, 2010

HIATUS ENDED

Ok! After 3 years blogging hiatus, I am back. Super Back! As in. As tatdyakan ko mukha mo pag di ka pa maniwala na I'm back. hahaha.. napaka-bayolenteng pagbabalik. As if naman, maraming nagbabasa ng blogs ko. I know wala. pero dati meron. nung may life pa ko... marami sila. Mga kikay kong friends, college friends. Well, ngayon, back to zero. Pero its chokey... ganern talaga. Well, at least mala-diary na naman ang atake ko sa blog na to. Walang pressure, walang audience na iniintindi, sulat lang ng sulat, anything under the sun. walang reservations, walang censorship, walang boundaries.

Shet, this all comes so naturally to me. I feel really back. I feel rejuvenated just having to be able to type my nonsense ramblings and not another textbook style prose on a resolved technical issue. My goodness, I've never felt exhilirated in a long time, it so liberating and its making me cry. Sobra as in, emotional na me now. hahaha. *teka nakakagutom maexcite, kain ng kanin*

I never realized I have missed writing for so long. Sabi nga nila, pag dumadaan ka sa pagsubok or kalungkutang matindi, palagi mong naalala ang first love mo. Sa case ko writing. Investigative, Comedic, Featurettes, malaswa, madrama, pampasaya, non technical, yes kahit ano na walang kinalaman sa trabaho, grabe indi ko sya nagawa at namiss ko sya ng todo. Para akong nasa kanlungan ng unang friend ko. Kasi ito talaga ang kinahatnan kong gingawa nung bata pa ako.
Ako! na editor in chief ng high school at college paper, nakatiis?! na hindi nagsususlat at nagkkwento! Anong klase akong tao! Isa lang ang masasabi ko, sa lahat ng bagay na iniwan ko, wala akong binalikan, pagsusulat lang. Reyna kaya ako ng move on (pero this is another blog entry).

Sa sobrang namiss ko sya, di ko na nga pinapansin ang basic rules ko. Punctuation, coherence, kemerlu. Keber, basta sinasabi ko ang gusto ko ng walang pakelam sa mundo.

HIATUS ENDED KZE

E ate, bat mo ba naisipan na magbalik? Baket? bawal? hahahah. Kasi ganire, 3 months na ko dito sa US. At nakatira sa isang bahay na di ko naman kaclose ang mga nakatira. As in, sobrang buraot ako sa kanila, kasi feelingerong panget yung isa, yung isa spoiled brat na di ko feel ang mga type sa mundo, yung isa naman, kateam ko sa work na walang kwenta, kasi di naman alam ang trabaho nya. So imaginin nyo na lang ang frustration ko sa buhay ko. Kapag bwiset ko sa isa sa kanila, mashshare ko ba yun sa isa rin sa kanila? So ikwento ko na lang sa ghost friends ko diba.

Sa totoo lang, medyo di kami masaya. para kaming stuck sa isa't isa at wala kaming magagawa. K lang naman. Baka ako lang rin nakakafeel. Ako mismo humihiwalay kasi feeling ko talaga iba-iba kami ng trip. Magbabasagan lang kami ng trip sa buhay, kaya wag nang ipilit ang di naman pwede. Dadanak lang ang blood. E ayoko naman ng blooodshed diba. Mas gusto magfocus sa mga ikasasaya ng buhay ko. Sila rin naman, so wala na lang pansinan.

Nung una bearable pa, nagshshare pa kami ng food, grocery, expenses. Pero dahil likas akong tamad, at ayoko ng natotoka magluto, e nag-agree kaming magkanya kanya na ng kayod sa kakainin. Sila rin naman nabbwiset sa palagi na lang pag effort magluto, e minabuti na lang namin na magkanya kanyang luto na. Well, wala naman prob sakin magluto talaga, effort lang rin, may gabi-gabi akong status calls with Manila group. Nakakapagod. Sa Pilipinas nga, di ako pinapagluto ng nanay ko, dito pa. Nakakstress din kasi choosy mga tao dito, napupulaan pa ang luto ko na masebo, or maalat. E nagddyeta si feelingerong frog. Ayaw daw nya. Tangina nya. Mag-e-effort ka na nga, nalait ka pa, nakakataba ng puso ha... Grabe talaga ang highblood ko nung di nya pinatos yung luto ko, samantalang ginagawa ko yun kahit na nagmumulti-task ako sa meeting. Tangina talaga. Kala mo kung sinong gwapong lalaki, paminta ka naman. Lechwe. Payat mo nga, laki naman ng ulo mo. Mukha kang may hydrocephalus. (fine, di ko alam ang spelling, ako na tanga!) Pero di ka normal teh. Sorry na mapanglait, pero ang tindi mo kasi magfeeling. Yung mga tunay ngang gwapong, ni sa hinagap (wow lalim) di nila naisip yung mga narcissistic thoughts mo. Wala ka pa sa kalinkingan ni Empoy. Mas cute pa yun kesa sayu. Ayun, napakanarcissistic mo. Ngayon ko lang napagtanto. Salamat sa pagaanalisang ginawa ko dahil sa blog na to.

Ayun, si narcissistic frog ang primerong kontrabida ng buhay ko at naeexcite na kong uuwi sya ng Pilipinas sa January. Saka ko na iffea-feature si Assumptionistang arteh 2009 na roomate ko at Slowness Pentium S na teammate ko. Well, di naman nila fault. Ako rin naman, di nila mashado feel. Tamad lang talaga ako. Ayoko na alng mageffort na makijive or maki-sama. Kasi effort talaga sobra. Kami-kami lang dito, pero ayoko talaga. Alam ko na di ko sila makakasama sa mga next chapter ng life ko, kaya ayoko na mageffort. Ang conceited ko ba? Sige kayo na! kayo na sa posisyon ko. Manirahan kayo sa bahay na hindi nyo feel ang kasama.

Ang haba ng explanation ko kung bat ako nagblog ulit. Di ko lang feel na makausap ang mga tao na kasama ko dito. Sorry na. Kasi ang hirap nung hindi mo masabi yung nasa thoughts mo. Tas pag sinabi mo, aawayin ka. Ayoko ng maraming drama at iniisip sa buhay. Bwiset na bwiset na nga ko sa kanila, magdadagdag pa ko ng oras na isipin sila. Well, yung mga kwento ko dito ay self-serving talaga. Para malabas ko ang matagal ko nang itinatagong saloobin. Hehe. Di naman nila mababasa to. Asaness.

Kaya ayun. I feel I can only be myself dito sa blog na to. And ang dami ko nasabi ha. In less than 2 hours. Nice. Nakahinga ako ng maluwag luwag. I love it. Actually yun ang main na reason, pero idadagdag ko na lang frustration ko sa trabaho at sa Manager kong napaka-sungit na lagi na lang akong sinasabon. Pero another blogpost na yun.


Ayun, welcome back sa kin at thank you!


















1 comment: