Tuesday, November 30, 2010

TINIMBANG KA NGUNIT KULANG

Eto na naman ang mga panahon na bwiset na naman ako sa work. Yung hindi ka naman naman nakapagstretegic thinking basta hindi mo lang naisip yung dapat gawin, kasi mas marami ka inasikaso. Ang dating sakin Puro sisi. Bat di mo ginawa to?! Bat di mo naisip yan?! Nakakasira lang ng morale. Para pinaparamdam sayu na ang bobo mo. Gusto ko na sumagot: Sige kayo na! Kayo na ang magaling! Kayo na may alam ng kumpletong process. Kayo na naka-isip bat di kayo ang gumawa?!

Nakakabanas lang, pag may indi ka nagawa at makabunton ng sisi. Di ba?! Mas naiinis ako kasi damay yung mga nagtrabaho naman ng matindi, nag-ghosting pa nga eh, OT without pay.
Tapos, makasabi ka jan ng kulang to, kulang yan, casual na casual na may pagkabossy lang. Sorry sa dami ng ginagawa, binubuwis na nila buhay nila dito, sorry di nila naisip yan.
Pano ka naman gaganahan magwork nyan.

Ang dami ko nang mali. Ayoko nang tanggapin lahat. Mashado na ako napupush around ha! Pano ba sumagot sa boss! Hindi rin nga big deal ang mga issue. Yung mga nisususmbat nila, HINDI BIG DEAL!!!! Walang nasirang application. Walang impact!

Gusto ko talaga maging open minded. Pero alam mo yung feeling na bingo na katangahan mo?! Napaka immature ko ba?! Sorry na tao lang po. Ibabad mo sa dalawang nega habang nagbubuwis buhay ka sa trabaho, indi positibo.

Well, gusto ko na tanggalin ang pagiging immaure sa sistema ko. Pero di naman, sumusobra naman yata. Naiinis lang ako, kasi kung ako nasa posisyon nila ang magiging reaksyon ko. Di ko rin nakita yan so pareho tayong namiss yan.

Saka ser naman, alam mo ba yung work ko dito. Fighting fires. Para indi lumobo yung work natin, pinupuksa ko na sya sa simula pa lang. Ngayong kung may gagawa na nun para sakin edi sana mas naiisip ko yung mga ganyan. Papadala ka naman kasi dito, tamad na nga. Wala pa magagawa, kasi tuturuan mo pa. Ayoko na. Pag tinuruan mo, ayaw pa gawin. Hayz, anu ba ggawin ko? JSE, SE, SSE and TL work ba nieexpect mo sakin?! Baka nga hindi kaya ng skills and knowledge ko yan. OA teh. Pakamatay na lang ako.

Suko na ko. Bahala ka na Lord. Nagttrabaho naman ako diba. Sabi mo kung magttrabaho lang ako ng matindi, di mo ko pababayaan. Ikaw na po bahala. Magttrabaho na lang ako ng maigi. Next time paringgan mo na lang ako pag may parang hindi ako nagagwa naiisip para hindi naman nakwekwestyon ako ng ganito!

Friday, November 19, 2010

Happy Friday

After a long time, I truly enjoyed a Friday. I was able to watch 2 movies. Watch Unstoppable at the cinema and re-watched Date Night at home via OnDemand. Sobrang mahilig talaga ako sa movies and I always enjoy it basta hindi boring. Para sa inyong kaalaman, 10 dolyares and movie dito...

zzzzzzzzzzzzzz.. Bored ka? Ako rin eh. Di ako naeexcite sa nipopost ko kahit alam kong maligaya naman ako. Antok na siguro ako. Ala una na ng madaling araw. Tuloy ko na lang bukas.

Wednesday, November 17, 2010

Sabon at Alak

Nagtweet ako ng bonggang: "kakasabon lang sakin ni boss! ay pakshet! init ulo"
Nagreact ang friend ko ng : "Banlawan mo ng Alak!"

Thus, the title. Howkey!

Hindi pa nangangalahati ang week ko, naka over over na ako sa qouta ko ng daily doese of kabwisetan na natamo at nacause ko sa Boss ko. Wahaha. Bland na tawa yan. Pero hindi rin bitter. Dahil matanda na ko, ay hindi ko na sya mashadong dinibdib at ineemote ang mga pangyayaring ito ngayon. Keri ko na sya, to the level na kaya ko sya ikwento kagad. Kung mga 2 years ago nangyari to, baka NGAWANGERS to the quadrillionth exponent na ang pinagggawa ko. So Congrats sakin sa maturity ko. hehe.

Hindi naman majorly masaya nor magulo ang working relationship namin in Atheng. Alam mo yun, parang wala lang talagang kaming ka rapport rapport. Nung unang magmeet kami, walang instant connection. Walang impact/excitement. Hindi ko nafeel na mabait at magiliw sya sakin. SYA PA BA! ang mageeffort manggigiliw sakin, e boss ko nga sya?! E Sorry! e sa 'di ako plastic e. Pag di ko feel bat ako magpapanggap na masayahing tao at magpplastic na excited ako mameet sya. Kaya naniniwala na ako na may mga taong di meant maging magkasama sa buhay, DNA's palang nila nagkokontrahan na, kahit tulog sila. Wah bat generalization na? wala pa nga yung kwento.


For reference sa buong post na to, tatawagin ko sya Atheng with an 'h' in between. So ayun, dahil natural na sa DNA's namin ang maimbey sa isa't isa.. KAHIT yung mga maliliit na bagay na asarrr... namamagnify ng todo pag napagtuunan ng pansin. Sa totoo lang, di NYA AKO mashado nipapakealaman sa trabaho, kasi mas may alam naman ako sa functionality ng Product na nisusupport ko. Just to clear things, Magaling sya at respetado ko sya kung pano sya magtrabaho/mag-isip isip. Pero mas alam ko lang talaga to specific module/field na to na tipong yung brain ko may shorthand na sa mga resolution ng issue, kaya normal ko syang di nakaka-usap. Lam ko rin naman na busy sya noh. So yun, normal naman na hindi sya nakiki-alam sa mga pinag-gagawa ko, pero pag nataon na nakabasa sya ng email, mega react ang gaga.

1. Status Call - Nakita ni Atheng na may konting delay sa isang workunit. Pero confident ako naman ako na kaya madeliver yun,pero wala akong facts like the actual committed dates. So dahil dun nag-emoterang elephant sa hysteria ang drama nya. Di ko rin kasi mapatunayan na kaya naman matapos, kasi di ko talaga alam yung saktong dates - kasalanan ko rin to. Pero niexplain ko naman na hindi sya hard deadline. Nilagay lang yung hard date na yun, para may reference ng kung kelan dapat mejo tapos na ang testing. Ayun, dahil no hard facts, di ko maemphasize/madikdik sa kanya na dapat kiber kiber lang yun at di nididibdib. Ayun, bakit daw ako di nag escalate na ganito na pala yung status. So sige olats naman talaga ako dun. If in doubt, or something does not look right, dapat make submong. (Nyeta, ayoko nga syang kinakausap ng madalas eh. ahahah, kaya madalas assumptionista nalang ako at nagdedecide for myself.)

That night, nimeeting nya yung Manila counterpart ko to na-verify yung nisabi ko. So ayun, chemerloo. Nag-apologize naman sya, na mashado sya harsh on me. Well, dahil hindi ko naman dinibdib yung pagsusungit nya sakin, di ko nafeel na harsh sya. Mas harsh ako sa sarili ko kung kinakailangan at hindi ito yung isa sa mga moments na yun. Kaya, wala lang talaga.

Pero nung sinabi nya na pinaabot ng client na magaling daw ako at na-appreciate nila ang trabaho ko *at rockstar naman daw ang status ko sa kanila*, napaiyak na talaga ako kasi dun ko nafeel na ko di talaga ako mashado appreciated ng boss ko, despite the buwis buhay na working style ko. (Basta maywork na important na matapos sa business, ke walang tulog (pero may kain naman) working-inamells parin ang beauty ko.) Naawa lang ako ng slight sa sarili ko . isniff** OO! Ako na! Ako na ang kawawang bida ng teleseryeng nagseself pity! At sya na ang kotrabida sa buhay ko. Pucha naman o. Wahahah. At least yan, di drama lang, tunay syang pangyayari.


2. IE Security settings. - Normal sakin ang magdeliver ng MAS, kaysa sa kaya ko. Ganung pilosopiya ang nituro sakin ni Congo, Manager ko sa Manila. Always go the extra the mile. So may naglog ng ticket, may issue daw ang isang external user in accessing the system and doing this and that. Kung normal self ko yun, ang reaksyon ko ay: Chever, computer nya may problema at hindi sya sakop ng support namin. Dun sya sa mga hampas lupang IT support nila. Pero hindi ako ganun, niexplain ko sa user na kasi, mas mabuting isangguni nya yung sa internal IT team nila dahil mas alam nila... Pero alam mo naman, dahil sa experience, e alam ko na talaga ang problema nya, at nahabag ako sa issue nyang maning-mani. So nag-include ako ng suggested steps to update her IE explorer Secuirty Settings with matching screenies, na pampadali ng buhay. Ayun. Napansin na naman.
Sabi ni Atheng: This is not within our standard support coverage. We are not allowed to send this eclavu.
Putek naman, nagkawang-gawa ka na nga eh. So ayun, Ako naman nagsorry. Sabi ko I will not do it again (with her copied in the email.) Amputa na yan. Nafrustrate talaga ako dun. Napaisip ako. Di yata bagay sakin ang outsourced work, kasi may limitasyon. Hanggang something lang ang dapat mong ibigay. Well, alam ko naman na kaya nandun yung boundaries yun, ay to protect both parties from abuse. Pero alam mo yun, konting pakipagkapwa tao lang. Kung may maitutlong ka gawin mo, lalo na kung 3 minutes of email and screenshot lang naman ang katapat. Nisave mo pa yung tao sa time na macoconsume sa paghanp ng Internal IT nila. Well, hindi ganun ang ikot ng mundo rito. Kaya olats na naman ako sa debate.

3. Audit requests - Dahil isang Financials Systema ng inaalagaan ko, normal ang mga kabaklaang audit ng kung sino-sinong thrid party para maverify ang truthfulness ng mga bagay bagay at walang kadugasan sa pera ang nangyayari sa system namin. So may tanong, kesyo may access ba tong apat na mokong na to sa page at kung may kemerloo silang pinaguupdate na data.

So sabi ko:
Madam Auditress,
The tatlong itlog plus 1 na fwends na nitatanong mo. Waley po silang powers i-access ang mga site na nabanggit. Pero kung type, mo isesend ko sayu ang kung sino ang tunay na makapangyarihan at nakakaupdate ng mga kaperahan galore jan.

O diba, pa-star sa proactiveness ang lola mo. Tapos syempre wala paring trabaho yata si Atheng, so nabasa na naman ang emailness at nagreply to me.

Aiglass,
Rememeber, for Audit requests we only provide what we are asked. No more, no less.

Sagot ako:Noted. Sabay hinga ng malalim at nagpost sa twitter account ng: Lord, what's so wrong with being very helpful?

Parang laging may comment. Ayun. Kung di nangyari yung first 2 instances, hindi hahyper ang feelings of... hindi naman inis, pero feeling na "OA na ang mga puna mo sakin ngayon araw nato ha". Lahat na lang. And dating, para akong amateur na hindi ko alam ang ginagawa ko. Shet ha, Team Lead ako, mejo nakakaka-sad na parang shushunga shunga pa ako sa work. Well, mejo hindi ko naman talaga naiisip ang mga ganung bagay, kasi di yun ang likas ko. Mega OA support lang talaga ang goal ko sa buhay as indicated in my title. Basta makatulong solb na ko. Kaya minsan, nakakabanas talaga. Tanong ko talaga yan: Pwede bang tumulong na lang ng walang boundaries? Wag mag-abalang nang sagutin dahil rethorical question yan.

Sabi ng matatalinong sites sa net, mas madalas na ang immediate Supervisors or Boss ang magiging dahilan mo para magresign or magstay ang mga employees sa isang kompanya. Hindi compensation, hindi RnR, hindi oppurtunities. Pwes, naniniwala ako sa kanila. Kung buraot ang lagi mo kausap na nagmamando sayu at wala nang ibang nakita kundi yung mali sayu, parang ayaw mo nalang pumasok sa opis diba. Mejo nakakapagod din makipag debate sa mga hifalutin hippopotamus na boss. Lalo na, alam mo na lagi naman silang mananalo. At point taken lang lagi ang award mo sa mga ihihirit mo.

Minsan nakakapagod na talaga makipag usap sa kanya kaya naglolog off na lang ako ng IM. Pero being the good natured person that I am hindi ko itetake against sa kanya ang always raging DNAs nya laban sa DNAs ko. Hindi lang kami match. Hindi lang talaga kami meant to be na maging friends. Saka professional na lang. Saka mas matanda sya sakin at mas alam nya ang mga bagay bagay sa career namin, (not necessarily life in general), kaya I'll try to make the most of it. Na matuto ako sa mga opinion at thought process nya. At saka, I know I can still turn this around. Oppurtunity ito na mapatunayan ko sa kanya na I can do better. Hindi tayo susuko syempre. I still need to gather the motivation to earn her trust and be credible in her standards. Malay mo, yan ang magpromote sakin to Super Team Lead.
Hahaha.

You know what, blogging really helps you organize your thoughts. Dun mo narerealize kung anong reaction or opinion mo sa mga bagay bagay. You are able to recollect what just materialized and process what you feel about it. Para mo syang nakikita from an impersonal view, kasi you are trying to make kwento the facts in the most clear/concise/understandable way. Dun mo na-aanalyze ano ba talaga ang mga angles ng iyong problema, how you feel about it and how you want to react to it. And thus, make a decision on what to do next. Parang you are being your own friend and advisor.

There, di ko na alam kung pano to ieend. So ganito na lang. Basta yun na.


























Tuesday, November 16, 2010

HIATUS ENDED

Ok! After 3 years blogging hiatus, I am back. Super Back! As in. As tatdyakan ko mukha mo pag di ka pa maniwala na I'm back. hahaha.. napaka-bayolenteng pagbabalik. As if naman, maraming nagbabasa ng blogs ko. I know wala. pero dati meron. nung may life pa ko... marami sila. Mga kikay kong friends, college friends. Well, ngayon, back to zero. Pero its chokey... ganern talaga. Well, at least mala-diary na naman ang atake ko sa blog na to. Walang pressure, walang audience na iniintindi, sulat lang ng sulat, anything under the sun. walang reservations, walang censorship, walang boundaries.

Shet, this all comes so naturally to me. I feel really back. I feel rejuvenated just having to be able to type my nonsense ramblings and not another textbook style prose on a resolved technical issue. My goodness, I've never felt exhilirated in a long time, it so liberating and its making me cry. Sobra as in, emotional na me now. hahaha. *teka nakakagutom maexcite, kain ng kanin*

I never realized I have missed writing for so long. Sabi nga nila, pag dumadaan ka sa pagsubok or kalungkutang matindi, palagi mong naalala ang first love mo. Sa case ko writing. Investigative, Comedic, Featurettes, malaswa, madrama, pampasaya, non technical, yes kahit ano na walang kinalaman sa trabaho, grabe indi ko sya nagawa at namiss ko sya ng todo. Para akong nasa kanlungan ng unang friend ko. Kasi ito talaga ang kinahatnan kong gingawa nung bata pa ako.
Ako! na editor in chief ng high school at college paper, nakatiis?! na hindi nagsususlat at nagkkwento! Anong klase akong tao! Isa lang ang masasabi ko, sa lahat ng bagay na iniwan ko, wala akong binalikan, pagsusulat lang. Reyna kaya ako ng move on (pero this is another blog entry).

Sa sobrang namiss ko sya, di ko na nga pinapansin ang basic rules ko. Punctuation, coherence, kemerlu. Keber, basta sinasabi ko ang gusto ko ng walang pakelam sa mundo.

HIATUS ENDED KZE

E ate, bat mo ba naisipan na magbalik? Baket? bawal? hahahah. Kasi ganire, 3 months na ko dito sa US. At nakatira sa isang bahay na di ko naman kaclose ang mga nakatira. As in, sobrang buraot ako sa kanila, kasi feelingerong panget yung isa, yung isa spoiled brat na di ko feel ang mga type sa mundo, yung isa naman, kateam ko sa work na walang kwenta, kasi di naman alam ang trabaho nya. So imaginin nyo na lang ang frustration ko sa buhay ko. Kapag bwiset ko sa isa sa kanila, mashshare ko ba yun sa isa rin sa kanila? So ikwento ko na lang sa ghost friends ko diba.

Sa totoo lang, medyo di kami masaya. para kaming stuck sa isa't isa at wala kaming magagawa. K lang naman. Baka ako lang rin nakakafeel. Ako mismo humihiwalay kasi feeling ko talaga iba-iba kami ng trip. Magbabasagan lang kami ng trip sa buhay, kaya wag nang ipilit ang di naman pwede. Dadanak lang ang blood. E ayoko naman ng blooodshed diba. Mas gusto magfocus sa mga ikasasaya ng buhay ko. Sila rin naman, so wala na lang pansinan.

Nung una bearable pa, nagshshare pa kami ng food, grocery, expenses. Pero dahil likas akong tamad, at ayoko ng natotoka magluto, e nag-agree kaming magkanya kanya na ng kayod sa kakainin. Sila rin naman nabbwiset sa palagi na lang pag effort magluto, e minabuti na lang namin na magkanya kanyang luto na. Well, wala naman prob sakin magluto talaga, effort lang rin, may gabi-gabi akong status calls with Manila group. Nakakapagod. Sa Pilipinas nga, di ako pinapagluto ng nanay ko, dito pa. Nakakstress din kasi choosy mga tao dito, napupulaan pa ang luto ko na masebo, or maalat. E nagddyeta si feelingerong frog. Ayaw daw nya. Tangina nya. Mag-e-effort ka na nga, nalait ka pa, nakakataba ng puso ha... Grabe talaga ang highblood ko nung di nya pinatos yung luto ko, samantalang ginagawa ko yun kahit na nagmumulti-task ako sa meeting. Tangina talaga. Kala mo kung sinong gwapong lalaki, paminta ka naman. Lechwe. Payat mo nga, laki naman ng ulo mo. Mukha kang may hydrocephalus. (fine, di ko alam ang spelling, ako na tanga!) Pero di ka normal teh. Sorry na mapanglait, pero ang tindi mo kasi magfeeling. Yung mga tunay ngang gwapong, ni sa hinagap (wow lalim) di nila naisip yung mga narcissistic thoughts mo. Wala ka pa sa kalinkingan ni Empoy. Mas cute pa yun kesa sayu. Ayun, napakanarcissistic mo. Ngayon ko lang napagtanto. Salamat sa pagaanalisang ginawa ko dahil sa blog na to.

Ayun, si narcissistic frog ang primerong kontrabida ng buhay ko at naeexcite na kong uuwi sya ng Pilipinas sa January. Saka ko na iffea-feature si Assumptionistang arteh 2009 na roomate ko at Slowness Pentium S na teammate ko. Well, di naman nila fault. Ako rin naman, di nila mashado feel. Tamad lang talaga ako. Ayoko na alng mageffort na makijive or maki-sama. Kasi effort talaga sobra. Kami-kami lang dito, pero ayoko talaga. Alam ko na di ko sila makakasama sa mga next chapter ng life ko, kaya ayoko na mageffort. Ang conceited ko ba? Sige kayo na! kayo na sa posisyon ko. Manirahan kayo sa bahay na hindi nyo feel ang kasama.

Ang haba ng explanation ko kung bat ako nagblog ulit. Di ko lang feel na makausap ang mga tao na kasama ko dito. Sorry na. Kasi ang hirap nung hindi mo masabi yung nasa thoughts mo. Tas pag sinabi mo, aawayin ka. Ayoko ng maraming drama at iniisip sa buhay. Bwiset na bwiset na nga ko sa kanila, magdadagdag pa ko ng oras na isipin sila. Well, yung mga kwento ko dito ay self-serving talaga. Para malabas ko ang matagal ko nang itinatagong saloobin. Hehe. Di naman nila mababasa to. Asaness.

Kaya ayun. I feel I can only be myself dito sa blog na to. And ang dami ko nasabi ha. In less than 2 hours. Nice. Nakahinga ako ng maluwag luwag. I love it. Actually yun ang main na reason, pero idadagdag ko na lang frustration ko sa trabaho at sa Manager kong napaka-sungit na lagi na lang akong sinasabon. Pero another blogpost na yun.


Ayun, welcome back sa kin at thank you!