Saturday, December 31, 2005

Ngayon ay new year..

2006, panibagong buhay, heheh...

ako ay may kasiyahang nadarama.. for some reason, mas sagana kami ngayon kaysa nung nakaraang pasko at bagong taon. nakatutuwa, pakiramdam ko binibigay ni Lord lahat ng mga pangarap ko (maliban sa isang pag-ibig na lubos kong ikaliligaya kung matatagpuan ko na) hehe, makagraduate, makapasa sa board, makabili ng mga material na bagay at gadgets na hindi naman sa luho pero higit na ngpadali sa buhay ko, isang trabaho na pwede kang magpanggap na may ginagawa kahit madalas hindi ganun ang nangyayari pero sumesweldo ka ng walang patid, at eto hindi ko malaman kung pano ako neregular. Ano pa ba? well, ngayon nakapagbigay ako ng mga regalo na talagang galing sa bulsa ko at hindi galing sa binigay ng mga magulang ko. hehe. at may dalawa pa akong tuta... hehe.. si uma at si cass.. bwiset na bwiset kasi ang tatay ko sa pinoy big brother kaya dun nya pinangalan mga aso namin.. heheh.

nakatutuwa...hindi ko inaasahan lahat ng blessings na dumating sa akin. may mga intangible things pa kagaya ng mga bagoing kaibigan sa katauhan ng aking mga ps virgins, sap gurls, marriott peeps, CRM boylettes at si braces at mga natutuhan ko sa sarili ko at ang kapasidad kong magmahal...

sa totoo lang hindi ko alam kung crush na crush ko pa si braces. kasi naman, parang hindi ko na mashado mafeel, well ganun talaga ako, madali ma-excite, madali magalit, pero mabilis din mawala. ewan ko ba. sabi ko nga kay lilia, ganun talaga, mas nauunang umandar ang emosyon ko kaysa isip. pero pag talagang pinag-isipan ko na... mas madaling kontrloin ang emosyon, kaso di ako natrain ng ganun eh. hay...

hehe.. isa narin siguro sa nagpalis sa feelings ko is the idea na taken na sya, so.. off limits talaga. hehehe. may gf na and i think maganda naman yung girl, nakita ko lang sa prendster yung pic nila. and we also talked abt it, nabanggit nya rin. hehe. well, tapos na po ang pantasya ko kay braces... hay nakow! sad no?

sa totoo lang, matagal na kong walang relationship, kung nagkaroon man di ko masasabi na talagang relationship yun, hay sobrang one-way. ewan ko ba, parang laging ganun. dalawang klase ng lalake lang ang alam ko, yung superior sakin (in one way or another) at yung feeling ko superior ako (in one way or another). Pag mejo feeling ko mas angat ako sa katalinuhan o kagalingan sa work or anything, ewan ko ba.. pero parang hindi ko marespeto ng ganun... parang hindi ko type... hindi ko na bibigyan ng chance na maging close. pag mas magaling naman sakin feeling ko, wow, ang galing naman nito... dahil mashado tong magaling.. ayokong magkagusto dito mashado kasi hindi naman ako mapapansin nito... baka malungkot lang ako. isa pa, hindi ako ganun kagandahan... ah ehem, cute lang ako.. pero hindi parin ako sexy, so wala parin ako maipagmamalaki.. heheh. ganun talaga.. sala sa init, sala sa lamig.. hay kelan kaya ako makakakilala nung taong pantay lang kami... para hindi ako maalangan sa kanya at irespeto ko naman sya. hindi ako ipokrita, minsan iba talaga ang trato ko sa mga taong feeling mo sobrang "out of league" sayo. example, pag pangit hindi ko mashado ini-initiate yung mga usapan, chikahan, o kamustahan, maliban na lang kung may kailanagn ako.,.. joke.. hehhe. bad noh, sorry tao lang. mabait din naman ako...

mahirap lang talaga akong pasukin. mahirap. kasi pag mashado kang naging close sa isang indibidwal parang sinishare mo ang malaking parte ng pagkatao mo. pag lam nya na mga bagay tungkol sa yo, lam nya narin mga kahinaan mo. it makes you feel weaker. alam nya na kung saan ka nya aatakihin kung sakaling wag naman sana pero kung may mangyaring masama sa ugnayan nyo. kasi exposed ka na dun sa tao, para kang hubad. yun ang pinakaayoko... yung alam nila kung kelan ka pinanghihinaan ng loob. ayoko lang na mukha akong mahina sa harap ng ibang tao.

o diba ngdrama habang new year's eve. heheheheh, k lang yun. si jazzie kamusta na kaya ang metro nya? alam mo magpakilala ka na, heheh. joke lang. mashado kang dalagang Pilipina for that. i think? hehe. oi sap gurls, dami nyo pics nung christmas party, hindi naman kayo hayok sa hale at bamboo.

ahh basta... isang masagang pasko at manigong bagong taon, sa lahat ng nagbabasa nito, salamat sa pagtingin at pagbabasa. :) at post ng mga komento nyo. salamat at nagspend kayo ng kapirasong oras inyong bising mga buhay. salamat at nakilala ko kayo ngayong taon na to? in one way or another, natuto ako sa inyo. pakiramdam ko ibinigay kayo talaga ni Lord sakin para matutung magblog. magpahalaga sa kapwa, at maging totoong tao, at maging kikay.

sa aking kamote friends, sabi nga ni ronsky, salamat sa pagiging bahagi ng inyong taon, ba't 4 years na pala taung magkakafriends. hehe. and the 4 years have been sweet, despite the tough times, too bad we wont have more of that since we don't live in the same classroom ngayon pero i hope, maging magkakaibigan parin tayo, magyayaan pag trip. mag-out of town once in a while. lam nyo na.. let's just try to catch up on each other's lives, habang pede pa. :) i really don't want to lose you guys. let's try to grow together, separetely. basta updates lang... may celphone naman eh.. at ym, at email, at yahoo groups... at blogs.. walang kalimutan.

sa aking mga peyrents at kafatid, thanks sa lahat! thanks... ang saya antin this year kahit papano noh. thanks a lot poknat! next year ulit! o pa, hindi pa ko mag-aasawa. wala pa nga nanliligaw sakin eh.. hehe.. :) hahha.. matagal payun.. bibilihan muna kita ng mansion noh. kahit pa kailanganin kong magjapayuki at mag-asawa ng matandang mayaman madaling mamatay... hehehhe.. yun lang.. mwah.

trivia: ang plural form ng thesaurus ay........ thesauri (the-so-ray) hahah.. wlaa lang ayaw kasi maniwala ni arnel dati eh. heheh. :)

Monday, December 12, 2005

LABERS IN LIBRAN

I'm not really very busy, but I just can't find time for this blog ever since i got rolled in the CRM ETS new project. Actually, its not yet a project. We are still reserves, but we are expected to train harder that other reserves and we have to focus on a new module. We have to undergo a lot of CBT's and read online materials, since it is soooooo new, no one in the company can actually train and coach us. Sariling sikap. Kami ay nasa experimental stage pa lamang. Ang tawag samin ay guinea pig.

We'll, tulad ng dati di parin ako ng-eenjoy. Huh, bring me back to college ang drama ko ngayon. May I "cough! cough!" with matching hikbi.. hikbi... But YKW? I am actually looking forward to going to office everyday. not becoz of work, syempre... Hehe.. guess why? guess who?
May Tama ka! Kung si jazzie ay may metro, wahahaha! meron din ako.. pero iisipin ko pa kung ano ang code name nya... Hahah.. yup you read it right, ako ay may crasss... pero hindi sya dingga katulad ni metro. Hay.. grabe daig ko pa ang high school girlette sa kilig. kasi naman, napakatalinaw ng lolo mo... at may humor, kayang kaya makipagsabayan sa mga kalokohan ko... at super nice ng smile kahit may braces... "Pwede ko bang iuwi ang ngiti mo, pati na rin ang buong pagkatao mo?" "Gusto kita.... bigyan ng Bingo..." hahaha... minsan nga feeling ko finiflirt nya ko. hahaha..kasi kung makatitig kala mo me gusto sya sakin... grabe pakisapak nga ako... mga 3 times. hehehe. super talaga. romance at the workplace. Lovers in Libran. hahaha... haay...
hindi nga... may ichura sya pero hindi kasi yun ang batayan ko eh.. pero nahalata ko lang.. ganun talaga mga type ko.. me pagkametrosexual pero hindi... ayyy ano ba? antagal nya naman maglunch. hmmf... miss ko na sya.. kwento: minsan kaya nakikipagusapan ako sa IM, e kinikwento ko si braces dun sa kausap ko.. tas bigla nandun na lang sya sa likod ko. e di taranta ang beauty ko kasi may tinatanong sya na hindi ko nagets kaya tinanong ko ulit kung ano yung tinatanong nya... syempre naman windang talaga ako sa may i sulpot out of nowhere act nya. hehehe... nakatatlong ulit ng tanong siguro sya bago ko sinabing yes... i'll marry you! joke!... "yes" ang sagot sa tanong nya. then balik na sya sa place nya. err.. akala ko talaga nabasa nya.. pero baka nabasa nya talaga at hindi nya lang tinitingnan kunyari. huwaaa... hindi ako makatingin sa mata nya...

ayan na.. dumating na... kaso.. since nagiging busy sya ngayon. parang hindi nya ko nikakausap mashado.. huhu.. miss na kita.

sa totoo lang confused talaga ako sa feelings ko ngayon. nung oras na umamin ako sa sarili ko na crush ko nga si braces... parang nawala sa isip ko yung lalaking matagal ko nang hinihintay. itago natin sya sa pangalang vikkybelat... ang pangit.. vikki na lang (hindi ko na iiexplain kung bakit, hulaan nyo na lang) samantalang dati, walang oras na hindi ko sya naiisip man lang. grabe kaya, sobrang feeling ko tuloy wala na akong maramdaman para kay vikki, samantalang three years ko na syang pinapangarap at laman ng aking basang panaginip, hehehehe, joke. tanong ko sa sarili ko: bibitaw ba ako o hindi? pag nagttry ako magfinalize ng damdamin.. iisipin ko ahh baka infatuated lang ako kay braces. pero.. alam mo yun.. pag naiisip ko sya.. bigla akong napapangiti, kahit stuck yung sinasakyan kong jeep sa traffic at sa mabahong place. my gulay, i must be mad!daig ko pa naka-drugs... please gisingin nyo ko sa kabaliwang ito!!! hindi ko talaga alam. ang hirap.

PAMILI KOMPYUTER

nga pala, binilihan ko ng bagong desktop ang aking brothers and sister. gumagapang na kasi sa kabagalan ang dati naming pentyum-s. nakaka-awa naman.. di sila makaprogram ng mga assignment na programs dahil hindi carry ng RAM ang bilis na kaylangan.. heheh.. e anak naman ng tipaklong, pinutakti kagad ng mga spywares. ewan... nakakainizzzz..ei trabaho na.

next time hahabaan ko blog ko.. sinigit ko lang to eh. :)

Monday, November 28, 2005

BAGONG PROJECT, BAGONG BUHAY,
BAGONG TEAMMATES, BAGONG PAKIKISAMA

CRM?!

Hi all!

This is to inform you that you will be joining the CRM Capability group effective Dec. 1. Look for Rose Lirag. Details of your assignment will be discussed by Clark Kho, the project manager. I have already asked Victor to collect your PC information. Victor please check with Rose regarding the specific work area where you will transfer. Also, make sure that you request your PC for reblasting by Tuesday afternoon for it to be ready by Oct 30. Victor coordinate this as well with those on training. Let me know if you have questions.

Thanks!
Maria Theresa H. Bunag


Ugh! tapos na ang maliligayang araw ng pagiging reserve player ko haay... mayamaya kukunin na ang pc ko at ipapareblast na... kaya nga kuntodo ako sa pagbaback up... at dahil ayoko nang humiram ng cd writer... binack up ko na lang yung files ko sa yahoo... err. bobo parin ako.. wala bang ibang way para mgaback up ng sobrang lalaking files.. nakakainis talaga noh... hinati hati ko pa yung files ko ng tigti-10 MB pa.. hay...

syempre nagresearch ako ng konti dito at maraming mga tao ang nagsasabing walang kwenta to sa larangan ng bussiness process outsourcing.. ito kasi sya...

Costumer Relationship Management:
"The term CRM is used to describe either the software or the whole business strategy (or lack of one) oriented on customer needs. The second one is the description which is correct. The main misconception of CRM is that it is only software, instead of whole business strategy."

sabi ng iba... hindi naman kaylangan nito ng mundo.. isa itong money making strategy para sa mga walang magawa... sakin naman... oo nga naman.. hindi naman natin kaylangan ng napaka-complex na tool or sistema, o matinding pag-aanalisa para malaman nang isang kumpanya na ang hinahanap ng isang customer ay kaaya-ayang serbisyo o produkto na ang kalidad ay aayon sa halagang kanilang ibinayad... well, i wish i would start changing how i think about this field of BPO. Baka itong larangan na ito ang magpakain sakin.. who knows? baka malakas pala pera dito.

missing ma pwends

ugh.. i miss my barkada.. i actually miss going to school.. i miss uste... i miss a lot of things that i have been used to for five years.. yeah.. college is really too short. i wonder why on earth did i want to graduate. baon... half day schedule... 2pm-8pm classes... what was i thinkin? compare it to this job? which most of the times won't allow me to get ny share of the sun...

well, it only means i'm not really enjoying work now... i want to get rid of this company as soon as i can. err... im actually looking for a part time job. not necessarily with high compensation, but it should be something that i really enjoy... umm like.. teaching... right.. i'm really not very sure about it, but i really do like to teach. in college, i do enjoy having to teach my classmates the lessons. i especially enjoy it when we have to cram hours before an exam and i have to give them the simplest possible explanation for the quiz topics. i feel proud when they get good scores. i appreciate it when they tell me that i did help them do good in the quizzes. i also feel good when i am able to create shortcuts to seemingly MILE-long solutions, and then the WHOLE class suddenly uses the shortcut i invented. i feel elated. i really enjoy having to share my ideas and how it works. i am, however not sure if i am "smart" or "knowledgeable enough" to BE TEacher.

we have this stupid college professor, and everybody hates him for being stupid, he doesn't even know what he's teaching. when he's trapped by a student's question, or when he can't simply answer, he would deliver the excuse of all seasons.. "alam nyo kasi guys, pare-pareho lang taung nag-aaral ngayon, kaya magiging assignment natin yan pare-pareho." anak ng pocha. kaya nga ako nagbayad ng pagkamahal mahal na tuition dito eh, para matuto... sana nagself study na lang ako... the nerve.

see.. i don't know if i am as stupid as he is but definitely i won't come to class as unprepared as he does. not only downgrades my credibilty as an instructor, but also makes me look stupid in front of 40 or more people. i don't want to be hated and disowned like that. never. ayokong mabrand, katulad nya. sabi ng mga batchmates ko, kaya bumababa ang passing rate ng uste dahil sa kanya... to which I cannot ARGUE din... kasi ever since pumasok sya sa nung 2003, haay.. from 90+ percent bumaba talaga yung passing rate namin... naging 80+, 62.5% at ngayon nga 59% lang kami... haay.. ako pramis talaga.. mas gugustuhin ko pa na bigyan na lang ako ng libro na gingamit nyang reference... then after 3 days magtetest ako sa kanya.. kaysa pasukan ko yung mga klase nyang sobrang sayang lang sa panahon... haay naku... ewan ko ba kung bkt naregular yan.. hindi naman yata kino-consider ng admin yung mga student's evaluation. laging negative comments ang nilalagay ko dun, pero la epek.

but i am really looking forward to a nice teaching stint in any of the state colleges or yet, universities sa philippines. I'd actually like to try ****, or kahit patutor-tutor lang sa mga mejo may kayang pamilya na may mahihinang mga anak... heheh.. dapat mga tech or math subjects, mas gamay ko yun eh.. di ako mahilig sa mga arts.. ekek.. pag nagustuhan ko ang pagtuturo, i might consider it as a profession. sa totoo lang, dahil nakapasa na ko sa board, makes me qualified na magturo sa ibang bansa, even in the states. pero mas gusto ko magturo dito sa pilipinas, marami bata ang nangangailangan sa mga dedicated na teachers. err... ako ba yun?

Sunday, November 20, 2005

kapag tumibok ang puso...
donna cruz, 1990

sharam-daram-shan daram
sharam daram shan daram
sharan-daram-shan daram.. ohhhh

heto na naman naririnig
kumakaba-kaba itong dibdib
lagi na lang sinasabi
pwede ka bang makatabi?

kahit sandali lang, pwede ba?
sana'y pagbigyan, sige na?
mukhang tinamaan yata ako..oohhh

kapag tumibok ang puso
wala ka nang magagawa kundi sundin ito
kapag tumibok ang puso
lagot ka na, siguradong huli kaaa...

errr... peborit na kanta ko tyo nung 6 yrs old palang ako.. hahha.. me sayaw pa nga tong kasama eh.. naalala ko lang kasi.. hay ewan ko ba...


usapang masheee

marami sa atin ang takot ma-inluv. ewan ko ba. kasi takot masaktan, takot magmahal. ako... hindi mashado. takot lang ako na mawala sya. kaya kahit matagal ko na syang pinapangarap ay pilit kong isinasantabi ang nararamdaman ko. dahil kuntento na ako na minamahal sya from afar. minsan me mga nakaw moments na tititigan ko lang sya nang hindi nya napapansin. kahit likod nya lang... para sa akin ay 3 minuto ko nang ligaya.

sa palagay ko, ang hindi ko pagtatapat kahit sabihin pang karuwagan ay isa paring demonstrasyon ng selfless love. kung sasabihin ko yun, sya parin ang iniisip ko, kung paano nya tatanggapin, kung paano sya malilito. hindi ko gusto na guluhin sya. hindi ko kaylangang dumagdag sa mga iniisip/pinoproblema nya. hindi ko gustong ma-guilty sya, kung malalaman nya, sakaling wala syang nararamdaman sakin. ayokong maguilty sya na nasaksaktan nya ako. kasi kahit ano talaga gawin nya, hindi talaga kayang baguhin ng kahit ano yung pagtingin ko para sa kanya. ayokong mafeel nya na may kasalanan sya sa akin.

kung tatanungin nyo ako, masakit ba? well, its a state of mind. kung hahayaan ko na masaktan ako, masasaktan talaga ako. pero kasi masaya kasi ang umibig. nagiging masakit lang yun kapag nag-expect tayo na the person would return the feelings. that they'd love you back. err... sa totoo lang wala tayong magagawa kung hindi tayo gusto ng taong gusto natin. nagiging masakit kasi pag iniisip mo na lahat ng gawin mo para sa kanya, nagiging unseen and unappreciated efforts. e nasa nature na nang tao ang 'need for feedback', pag hindi naibigay yun, nalulungkot tau at nadedepress. parang feeling mo sayang lang lahat ng ginawa mo.

loving doesn't hurt...it is when we expect this love to be reciprocated that we begin to seek approval and acceptance of the things we have done and when we are taken for granted and rejected, we curse the very same love that we once freely and happily offered.

kaya ako lahat ng kaya kong gawin, gagawin ko para sa taong yun. kasi masaya na ko na nakakatulong ako sa kanya. na may nagagawa ako para sa kanya. hindi naman sa pagpapa-abuso... hindi naman ako ganun katanga. hindi nga siguro ako masyadong mahalaga sa kanya, pero parte parin ako ng buhay nya. nakacontribute parin ako kahit papano sa kabuuan ng pagkatao nya. and that alone makes me feel complete.

Thursday, November 17, 2005

pagkatapos ng drama...

pagkatapos ng ilang linggong pagiging mabait, balik na tayo sa usual perverted self. haay... baklaan na naman tayu...

pwede na siguro ulit... manlait ng patalikod... magjoke ng green... magsungit kahit may period o wala... gumimik ng walang guilt...

heheheh...

bitchtalk: ayoko sa mga...

1. taong nagsabi ng "oo" pero hindi naman tutupad... sana derechahan na lang.
2. taong akala mo kaibigan mo pero wala naman pala talagang pakialam sayo.
3. nang-iiwan sa ere, lalo na inaasahan mo sila.
4. sinungaling
5. injanero't injanera
6. walang utang na loob.
7. di marunong mag-appreciate ng efforts ng ibang tao.
8. laging kontra, hindi marunong makinig
9. mahilig manisi
10. basta people who can stand letting other people down, hindi man lang magexert ng effort.

haay naku... sampu palang yan.

nakakainis talaga kasi inuulan ako ng mga taong ganito... pag me nakilala kayong ganitong mga klaseng tao, wag na kayo mashadong mag-expect from those people. kse paulit-ulit lang nila kayong ididisappoint. at paulit-ulit lang kayong maiinis. hay, kung pwede lang layuan nyo na. believe me, its not your loss. mag-aaway lang kayo ng mag-aaway. kahit matagal na kayong magkakakilala, it won't stop them from being mindful only of themselves. mga selfish. sobrang laid back na nakakabanas. mga wala talagang pakialam tong mga taong ito sa panahon, pera, at effort ng mga taong umaasa sa kanila. sarili lang lagi iniisip. hindi man lang nila ico-consider lahat ng ginawa mo kung sa tingin nila e mahihirapan din sila along the process. pwedeng-pwede nilang itapon lahat ng pinagpaguran mo ng ganun-ganun na lang. mahilig lang talaga silang mambale-wala. haay.. nakakahighblood...

ang unix bow!

tatlong buwan ko na syang ginagamit, pero ngayon ko lang natutunan at naintindihan. anak ng peste naman kasi dito sa kumpanyang ito. isasabak ka sa trabaho na para kang nangangapa. bibigyan ka nga ng kaunting training, mga 2 weeks, tas aasahan nila na super galing mo na.

pechay! nakakaloka... buti na lang may technical cbt. pakiramdam ko tuloy ang tanga tanga ko. sa totoo lang gusto ko nang umalis ditoh....

goodluck and God bless...

sa mga CE na magtetake bukas ng test! arah, melai, lea kaya nyo yan.. AJA!!! God Bless you!

Wednesday, November 09, 2005

God must be Green

www.inq7.net/exam/ece_11052005.pdf

"God will lead you into many situations that will seem impossible, but don't try to avoid them. Stay in the middle of them, for that is where you will experience GOD."

I knew it. Miracles do happen. And I am fortunate enough to experience it first hand. Hahahaha! I'm just too honored that God chose and used me to demonstrate His greatness. I know I don't deserve such but I can only show gratitude.

Honestly, I was already getting along with the idea that I will not pass the exam last Nov 5-6. I have assesed my own performance in the three subjects, Math: 34/50, Electronics: 60/100, Communications: 40/100. An average of at least 70 percent would grab me the title. Kung i-cocompute mo, base sa weight, (30% math, 35% elecs, 35% Comms) 56 percent lang ang average ko... Anak ng lintik... san manggagaling yung 14%? Sang kamay ng langit ako makakahanap ng pag-asa???!!!

With that, I just willed myself to expect the worst. Para it won't hurt that much... Really... I was on my way to acceptance... I was dead sure that my name would not be on the list. I was just waiting for Wednesday (results) to confirm my failure. I just need that truth so that I could start getting over it. I just want to go through the whole process of depression, self-pity, depression again, and then acceptance fast. I want to move on as soon as possible. But God thought otherwise. Well I guess, it’s meant to be.

I won't be too humble... that's not me. I did sacrifice a lot for this. I've worked hard for it. What would hurt me the most if I failed, is disappointing my parents, who have been very supportive of me, from the moment I decided to work while taking the board. I just can't stand letting them down. My tatay is actually against the idea of me gambling my license for an IT job. He adviced me to take the board muna, then work. But I am just as hardheaded my father is. Hindi talaga marunong makinig. Me sariling utak. Akala ko kasi madali, hindi pala! Pero deadma parin ako... Nung malaman ko yung result ng Pre-board, napatanong ako... tama ba tong pinasok koh? Paano ako magto-top nito? Anong laban ko sa mga full-time reviewees? Duh bah. (Joke!!! hehheh, concern ko ba yun?) But I believe that this is exactly what God wants to happen. I've asked for signs, you know. And I believe I got them. ( I actually dreamt of passing the board, twice!!! scary noh!) Truly, if you choose to proceed with what He has told you, no matter how incredible it might seem, you will experience the joy of seeing God perform a miracle and so will those around you.


This experience has taught me a lot. It taught me humility and blind trust in God. It taught to be grateful of even the simplest things that I have and could have. I learned how to count my blessings instead of whining and dwelling on the things that God has not given me, yet. I learned to ask people to pray for me. And I learned to ask God to bless other people. I learned the value of sacrifice. I also I learned that God will not always give you want you want; rather He will give you what you deserve. I guess, he has this all planned for me. I'm glad I trusted Him.


I really want to thank all the people who in one way or another have helped through this big ordeal. I am forever indebted. Especially those who inspired me, prayed for me, cheered for me, and took a bit of their time to wish me good luck. You are always in my prayers.

KAM SAM HAM NIDA!!!!!

Specifics:

I want to thank my manager Ms Tetet who allowed me to take half days off work so I could study. Many thanks. I also want to thank my PS and SAP Startgroup. Salamat sa dasal nyo kahit sino pa mga panginoon nyo.. hahahahah. Special mention kay Rox, na nakalimutan kong batiin ng hapi burrrday dahil tuliro ako sa pagrereview.

I want to congratulate my batchmates na nagtake. Grabe. Another milestone na naman sa mga buhay buhay natin toh. Kelan ba ang house party? Miss ko na flirtdays natin. hehehe.Pranz, miss na kita...

Sa mga TEPEEPS na lagi akong chinicheer kahit sa ym lang. Salamat talaga. Laking bagay nung tumatawag kayo sakin para palakasin loob ko. O ate Jomay, bilib ka na ba? hehehe... JOKE.. hindi ako pedeng magyabang na magaling ako dahil talagang pinagpapala lang ako ng Diyos. Puro powers nya toh. Hahaha.. makakasama na ko sa mga gimmick. Sorry po kuya Ivan dahil di ako nakapaunta sa haus mo, nong oct 31. saka nung wedding ni kuya erwin... ngarag nako sa coaching nun eh... salamat po sa pag-alala. at sa pag darasal.

Sa mga CE friends ko na sila Melai, and Arah, salamat at nanjan parin kayo para sakin kahit na tatlong taon na tayong hindi nagakakasama ng matagal. Touched talaga sa paggood luck mo sakin sa radio... hahhaha.. kayo na this week. Galingan nyo ha. Alam ko kaya nyo yan guys...God Bless. Salamat talaga sa pagsasama nyo sa dasal nyo sakin.

And of course MY BELOVED TROPA, KAMOTE KIDS!!! I know hindi lahat tayo succesful. Mejo nangamote yung iba satin... pero sabi ko nga kay Ronald, may mas malaking plano si Lord para sa atin. Pero it doesn't mean na kailangan nating sumuko... May April pa. Saka mejo nakapagdasal lang yung iba ng mas malakas kesa satin. Pero napag-usapan naman natin na ke bagsak o hindi tuloy tayo sa out of town gimmick!!! Sabiihin nyo lang kung kelan kayo ready na gumimik. NAmimiss ko na kayo sobra. Salamat salamat!

And especially my Mama and Papa who never failed to inspire me and supported me all the way. I could not ask God for another pair of parents than you. I love you guys. I'm happy that I made you proud. Start palang to. Balang araw, dream house naman natin ang pagtutulungan natin. Thanks din sa mga kapatid ko dahil, naintindihan nyo naman ang extrang alaga nina mama at papa sa akin, these past months... sensya na, utols...

Note: Di ko talaga alam kung pano ko kayo ililibre lahat... baka pwedeng installment!

Sunday, October 16, 2005


20 days na lang...

At dahil 20 days na lang ang nalalabi kong PANAHON, hay... nananawagan ako na isama nyo ako sa mga panalangin nyo. Na sana pumasa ako sa board. Sabi ni yaya cum laude, magSt. Jude daw ako. Mmm... o bait diba? Tinuruan nya pa ako pano pumunta dun. This Saturday pupunta talaga ako.. Salamat Diane!

Hay... naeexcite na ko.. kasi 20 days na lang malalaman ko na ang bunga ng aking mga paghihirap at mga sakripisyo. Bahala na si Batman. Pasado o hindi, tuloy ang buhay. Hindi naman ito ang sukatan ng tunay na karakter ng tao. Si Lord na ang bahala.. Kung para sa akin edi para sakin, thank you. Kundi, thank you parin dahil mararanasan ko kung pano bumagsak ng big time. Not many people are given this chance para maexperience na nasa taas at baba ka sa buong buhay nila. I'm very willing to accept defeat. ha.. matututo akong maging humble.. aba naman, mayabang talaga kasi ako. Whatever God thinks I deserve, I will accept it whole-hearthedly and embrace it until my breast gets flat.

Marami pang ibang oppurtunities. Malay mo, I'm not really meant to be an engineer. Title lang yan. Kung dati talagang, drive ko is ... "mageeengineer ako!!!" nanginginig pa sa passion. ngayon... kahit ano pa yan Lord... tatanggapin ko... whatever you say... Baka nga mas nararapat akong maging artista. sabagay dati pa, talagang talented na ko. Malay mo, hinihintay na ako ng Starstruck nationwide invasion. O kaya naman baka maging sexy star ako... sa totoo lang pangarap ko yun. Pramis. kasi pangarap ko pumayat at magsuot ng mga bikini. High school palang kasi ako mataba na ko. hahahaha...

basta.. bata pa ko at marami pang pwedeng mangyari... :)
pagkatapos ng board ay marami na akong naka line up na mga gagawin... hay feeling ko sobrang nadeprive ako ng mga bagay na dapat naenjoy ko....


What to do after board exam
1. Read HP6 - don't you dare give me spoilers! im warning u!!! lintik lang ang walang ganti...

saka yung mga bagong ni coelho saka dan brown, nakalimutan ko title... ewan ko kung bago talaga yun or nalipasan na ko ng panahon...

2. Korean series marathon and reruns.. LSinH, OFY rerun, S18 rerun, FH rerun

3. Learn other languages: JAP, FRENCH saka pede na rin korean

4. Loose weight. hahaha. mag-gy-gym na ko..

5. Go out with Kamotes>> my college barkada. Hay nako missed them so much, wala ako mashado ka barubalan sa office eh... missed arn, jac and nagsi so much..

6. Treat friends- actually handa ito kung sakaling pasado, kung bagsak hehe.. sorry na lang..

7. Go to Enchanted Kingdom with Family... Promise ko kasi na ittreat ko sila dito. as in all expense paid by me.

8.Go out with TE alumni. >>>Org mates ko nung college... missed ko na pagiging boss. saka barubal din sila eh lalo na si jaime and marky, saka si dennis...

9. Download lots of korean stuff at soompi.. hehhe okay dito walang bayad.. pero hindi lahat may english subtitle...

10. Go to the dentist.. mejo pati ipen ko e hindi ko na napapatingin,, nakow andami na cavities..

11. Prepare for Induction. eto e kung papasa, syempre induction na sa December.

12. Magpapamisa ako! Que pasado/bagsak, Praise the lord parin ang drama ko.

13. Mag enroll sa mga classes na inoofer ng Accenture.. Achuchuchu..

14. Gimmick as in parang day off ni Inday.


13. DVD shopping sa Quiapo!!!!!!! Miss na ko ng mga suki kong Muslim! Saya!!!

Hay ang saya... sana matapos na.. Sobrang excited na ko...

Nga pala kung may alam kayo na pwede ko mautangan ng 600k, refer nyo naman ako. bibili ako ng bahay. mura lang kase. kahit 20 yrs to pay.. ahehehe...

Bakla moment:

"Feeling ko, in the future, sisikat din ako. Tatawagin din akong diva, dudumugin ng mga fans at sasabitan ng sampaguita. Pag-aagawan ng mga producers. Magiging in-demand na product endorser. Aani ng sangkatutak na papuri. A street will be named after me. Makakatanggap ng mga indecent proposals galing sa mga politikong D.O.M. Kaiinggitan nga mga nalaos na artista. Gagawan ng biopic. Makikilala internationally. Lalampasan ang kasikatan ni Britney Spears. Hahalikan ni Madonna ang aking mga paa. At magiging isang prominent figure. Pipilitin ng tao na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas, at mananalo. Magiging role model sa mga kabataan. I will be an advocate for women's lib. Mapapangasawa ang lalaking iniibig, and we will live happily ever after. etc, etc. Tandaan nyo ang mukhang ito. Ang ang pangalan ko. Bukas, luluhod ang mga tala." -pinaypsycho


Thursday, October 06, 2005


WHAT'S Wrong with the Picture?

Hindi ko talaga kinaya to... hahahha.. ambastos talaga ng mga clasm8s ko. grabe. for censorship na kaya toh... oi!.. for limited time ko lang ipopost to ha.. baka hanapin ako ni MTRCB chair laguardia...


Wednesday, October 05, 2005

Missed me?

Xenxa na sa mga masugid at ma-e-el kong tagasubaybay. Ako ay hindi nakapag update ng aking blogada. Ako ay isang linggong hindi namasukan sa opisina upang itake ang aking offset..a at wala akong internet sa bahay.. ahahah.. sa sobrang talino ko, inabuso ko talaga nung sinabi ng dating manager ko na pwede kong gawing offset lahat ng overtime ko na hindi pupwedeng icharge sa project. Aheheheh.. Kakapalan ng mukha ko.. Akalain mong napaniwala ko sila na umabot talaga ng 32 hours ang obertaym ko.. haahahha...


Hindi naman talaga ako nagbakasyon... Nag-aral naman ako... kasi nga sa Nov 5-6 na ang itinakdang araw ng pagkuha ko ng eksamen sa pagka-inhiyero ng electronika at kumunikasyon. (ECE) kaya mga mare ipagdasal nyo ko na pumasa akech! arachi?!

Mejo mahirap din para sa akin na mag-ufdet kasi ba naman, wala akong maisip na maisulat kundi mga pormula na hindi ko naman magagamit sa aking kasalukuyang karera. Ahh basta.. I nikulit ako ni Aling jazz, dahil namiss na nya ang ka-elan ko. ahehehe.
E di ako naman sige na baklush, gawa na.. e ito naman ang napala ko nung nais ko nang magsulat. Eto ang tumambad sa beauty ng lola mo.





tama ba naman yun?


Oki..matapos ang paghihintay eto na kwento..sige kwento kung kwento..


Ako ay nagpagupit din ng maiksi. katulad ng kay jazz at abby. pero sakin by choice at wala namang nanlait sakin na mukha akong lalaking mataba na parang penguin kung maglakad. Yun ang tingin ko sa sarili ko ngayon.. wala namang nagsuggest na magretoke ako ng buong katawan at magpalaypo dahil nagmukha akong majuba sa aking buhok... Kaso wala akong kamera kaya hindi ko maidespley dito. hanapin nyo na lang ako sa libran kung trip nyo kong laiitin dahil sa bago kong look. ahahahha.

Pero hindi naman ako nabanas o naasar sa bago kong herdu. Ang saya nga eh, nung naligo ako aba kakarampot lang na shampoo ang ginamit ko para masabunan ang aking buhok. o diba tipid, muntik ko pang magamit yung feminine wash sa ulo ko.. ahehhe.. kashongahan noh? Saka pag pinatuyo ko... aba wala pang 5 minutes penis na! este, finish na pala. isa pa, ngayon ko lang natanto ang tunay na kahulugan ng "instant ayos, instant ayos, parang magic talaga, kinamay lang at umayos na.. " o diba.. kung may matatawag man na theme song ng buhay ko ngayon ay ito na yun.kasi kinakamay ko lang talaga ng walang malisya at mukha na akong presentable.
haay.. buhay bench ulit.

WTF!

Pervert talk

Aba naman, ano ba ang nasasaloob ko ngayon, mataray mode syempre. Ewan ko ba, wala ako sa pervert mode ko... Andami ko kasing iniisip. lalo na board.. Gusto ko na ulit magleave. gusto ko mag-aral, mag-aral ng mag-aral. parang gusto ngang magsisi na nagwork na ko kagad kasabay ng pagtetake ng board. Kasi ang goal ko talaga sa mga panahon na to ay ang pumasa. hindi talaga ang palaguin ang aking career experience. siguro pag pumasa na.pero ngayon, wala akong paki sa work ko, kasehodang mapatalsik ako dito. aheheh. wala talaga akong paki kung iterminate ako. trgigger happy kasi ako eh. pirma ng pirma ng mga imbalidong contrata, hindi nag-iisip. pero naalala ko kasi na kaya ako napapirma ay dahil nagdesisyon ako na tanggapin at yakapin ng buong buo ang challenge na ito. Extra challenge na ipasa ang board habang nagttrabaho. kumbaga nagbigay-partida ako sa mga ibang nagtetake, sa mga full time reviewers. Para narin patunayan ko sa sarili ko na magaling talaga ako...na nagawa ko ng sabay? astig noh.. e pano kung sablay?


Bakit ba importante sakin ang pagte-take.kasi nung year 2000, pagkagraduate ko nung hayskul nung nagdecide ako na magtake ng engineering... pinangarap ko na talagang maging engineer, sa isip, sa puso, sa salita, sa gawa, sa papel, sa lisensya, at kahit balebalentungin pa ang pagkatao ko, gusto kong makilala ng mga tao na inhinyero ako. isang taong magaling sa pag-aanalisa, pagkakalkula, pagdidisenyo, pagiisip at pagreresolba ng mga solusyon sa mga industriyal, electrikal at komunikasyonal na problema at pangangaylangan ng sangkatuan. Para sa bayan toh? Ano ha... San ka pa?


Kung alam nyo lang kung ano ang tumotorture sakin ngayon at kung pano ako binubulabog nito... grabe... ang kaisipan na babagsak ako... nanginginig ako... hahaha.. kaya isama nyo ko sa mga dasal nyo... kung nagnonobena kayo.. nanawagan ako... isama nyo ko sa mga hinihiling nyo.. salamat na lang in adavnce.


Sa totoo lang hindi ako makalandi ngayon dail sa mga kaisipan na ito. matagal na akong hindi gumigimik para magsakripisyo. mag-rereview na lang ako. kesa sa maglamyerda at rumampa sa mga gimikan. pero pagkatapos talaga ng board. pasado o hindi, (sana pasado!) babawi ako sa katigangan ko. grabe tuyot na tuyot na ko... uhaw na uhaw na sa pagpaparty.

nga pala... speaking of gimik alam kong mga panatiko kayo ng harry potpot, malapit na ang hp 4 movie kaya nais ko sana kayong imbitahan sa

Block screening of Harry potter and the goblet of Fire on November 18, 2005 at Premiere THX Cinema in Milelong Compound Makati!!

Tickets are worth Php250.00. Along with the movie is a free entrance to Club V makati just above the cinema. anyone interested can contact 09213794114 for tickets.

don't worry, kilala ko po ang taong itoh... sya si pao. kasama ko po sya sa UST dati.. at ito ay fund raising project ng aking dating organisasyon... kaya sana suportahan nyo kami. pwede nyo rin ako ikontact 0921230-7234. Nililinaw ko lang.... wala po akong makukuhang komisyon dito.... Saka win-win situasyon naman toh. nakanood ka na ng HP4, nakatulong ka pa, pwede ka pa gumimik afterwards, san kapa, only for 250 pesos...

kaya nood na...

o sa susunod ulit na bloga... sana nasa tamang kaisipan pako pag ginawa ko yun... harharhar...

dose of green

anak: inay, ano po yung nasa pagitan ng legs ni itay?

inay: a iyon anak, ahas yun kaya nga pinapatay ko eh. inuupuan ko para mamatay.

anak: wala kayo inay, mas matapang si yaya... kagabi nakita ko kinakagat nya pa yung ahas!

ahheehh...

LOVE TALK:

Love is defined by balanced exposure. You can't really be sure if love is what you feel if you're always together doing the same things. You'll know it's love if after being away from each other forsome time, if after meeting different people andif after pursuing your own passions in life, andyou still carry the torch for the same man orwoman, that's love. Absence makes the heart grow fonder. Sometimes, you need to give the otherperson the time and the space to think thingsthrough, to finally put the gray areas of yourrelationship in black and white, to hear histhoughts more clearly, and of course, to miss you.

-from an unknown mailer

Tuesday, September 20, 2005


THANK YOU ACHUCHU...


BLOGA - n. tagalog ng blog, eto tawag sa binabasa nyo ngayon. imbentong salita ni jasmine bernadette perez...dabest... o diba.. we learn something everyday... ü

Ano pala meaning ng OBHETO?

COMMENT SA COMMENT NI YAYA ---- JOURN101 crash course, ayaw mo nun... hindi nasayang oras mo..ahehhe..


AWWWWWWWWW...

Peeps, especially my SAP girls, Thanks sobraaa... I am deeply touched by your feedbacks. Hahaha... Super flattered ako.. Kahit nung binasa ko ulet e marami palang grammatical errors... ahehe.. EIC pa naman noh... Buti napagchagaan nyo at hindi nyo ko hinusgahan ng ganun ganun na lang... aheheh.. Thanks talaga...

excerpts ng usap namin ni jazz...

hayleen: hoy walang walanhiyaan sa blog ha..
hayleen: hayleen:
jilleedgreat: magcocoment raw sayo si jazz humanda ka..
hayleen: anoh?
hayleen: gantihan itoh...
jazz: nagcomment na ko
jazz:
jazz: bwahahahaha
hayleen: barubalan pala eh..
hayleen: ahehhehe
hayleen: joke di ko pa nababasa.. wait...
jazz: tawa ako ng tawa sayo baklita
jazz: Just like how a boobs could change a man's view of an unpretty face. (
mali nga to eh... dapat "a pair of big boobs yan eh..." xenxa tao lang.. kahit di mashado halata.. ahehehe...ü----)
jazz:
hayleen: e sa totoo naman eh...
hayleen: lunch na..
jazz: o sy a13
jazz: o sya babu! kain na!
jazz: bruhildang baklita, akalain mong nilink na kagad kita dahil natuwa ako sa mga katha ng yaong bloga !
hayleen: aba bloga... napakagandang tagalog na salita...
hayleen: ako ay natutuwa at naaprecite mo ang mga pinagsasabi koh...
hayleen: naaapreciate
jazz: bwahaha imbento ko un
jazz: eto ring si yaya highblood natatawa sa mga kalandian mo
hayleen: e magkakadugting mga pusod natin pagdating sa kalandian eh..
hayleen: magkakadugtong
jazz: at sinama mo pa kame? anong pinaparating mo? green minded din kame? longyo! idadamay mo pa kame? aber? aber?!
hayleen: aba naman... kaylangan pa bang imemorize yan.. mga ipokrito....
jazz: anong akala mo sa sarili mo? radio station??
hayleen: pwede... kukurukukoooo
hayleen: hehhe
jazz: longyo...hahaha

Dahil nagpapasalamat ako... pakitinginin naman to...

http://www.cardmaster.com/card/Thanks/Flash%20Card/Heart_Thank_You.swf
haha.. i hope its funny enough.

JAZZ nga pala... sinong umaway sayo...? amf... lakas ng apog ah... Gigi? (reglatic red? galit?)

Today's doze of green

HERCULES!

After a man raped a woman, he told her: in 9 mos, you will have a child, you may call him HERCULES! WOMAN: In 9 days you’ll have rashes in your p****, you may call it HERPES! Hahaha... revenge...


Words to live by..

Its better to be haTed f0r wHaT yOu aRe tHaN t0 be LovEd fOr wHat yOu aRe n0t.

Monday, September 19, 2005

First Time
Heck, I won't be discussing anything censor-worthy here. You got the wrong idea. I may be green, all-over but I'm also sane, 100%. :) Anyway, I'd like to welcome you to my green mind. CHARAN!!!!! This is my very first blog..ever... And I am enjoying the novelty of its first time's. Ya know... choosing the background, the title of your blog, the title of your article. Writing with instant layout. It's like being in my college journal without the hassle of dealing with ink-brained people from the Publishing House. Instant ayos.. aheheh.. (But I hope I cud have more freedom in designing my page. Maybe I still need to learn how to costumize it.)

What's with the title?

Well... I thought about it for almost three hours. That's faster compared to how I came up with my Editorial Column title when I was in 4th year. It took me a month or so... It's not very easy to come out with a title that could represent yourself. Your column name is like your boobs, its the first thing men or people would stare at if they find your face not very enticing. If people don't like reading, the title of a write up (and the content also) could change his whole view about reading. Just like how a boobs could change a man's view of an unpretty face.

For people who don't like to read, catching their attention using your title is crucial. It should make them curious that it would bug them to know what you have to say and should make them read the first paragraph of your write up. It's up to the writer if he can sustain that attention for the next few paragraphs. But for now, striking up a cerebral dialogue with an unsuspecting victim, este audience is the name of the game. At shempre umandar ang pagka-hornalista ko.I've been with the school paper journalss for almost nine years (highschool pa lang ko, papampam na talaga ako... nagsusulat na ako at tuwang tuwa ako pag nakikita ko pangalan ko sa mga dyaryo... aheheh).

A note on Personal Writing: Writing would not be fun if it is not appreciated by a reading audience. Before, I thought writing is just a personal thing. Sort of a Diary. I used to own one. I wrote just to have an emotional outlet. But I thought, why hide it if I have something sensible to say. One's thoughts won't make a difference unless the person is able to communicate them. Using any kind of medium, say ahhh... writing! (Pero sa totoo lang, talagang kulang ako sa pansin. KLSP. Aheheh... )Kaya hanggang ngayon hayok na hayok parin ako sa paggamit ng MSWord saka Notepad. At mahal na mahal ko ang English alphabet at Alpabetong Filipino. Pero ha... I was only able to fully appreciate writing when I started working. Kasi siguro I don't have enough time na for it. And there's no way that I could voice out the "inis" I always have to suffer (and control narin) pag nasa work ako. Haayy... work... that's another story...

Back to naming conventions, in highschool it was "My Perspective." Ang selfish noh? Like I had a choice. It's the standard for the EIC's column in the Journal (The CLAHS Fountain). In the Thomasian Engineer Media, I named it "Spur of the Moment". Sabi ko: parang ang fleeting naman ng mga sinasabi ko dito. I realized that since i write on the moment's spur, I may have written stuff which I did not really mean. I may have written it because of the present's passion for it. That may be interpreted as that. But really, before... I thought of it as something that would make me appear as a spontaeneous person. (Which I usually am, hehheh but not all of the time.) Although its not very spontaenous because editors would have to modify how i said/discussed it. If I was angry and was cursing in my column, editors/moderators would try to tone it down and neutralize it without losing the message. Heck, altering what I want to say when i'm enraged will lose its message. They won't know that I'm totally pissed off. Well, media is not media without the censorship. But I'm quite thankful of the censorship, else I would have kicked my own butt with my very good emotional stability and self control especially with issues regarding the faculty's admin, etc. Basta, I taught I would only write if I'm inspired and that I'd be a more effective writer if I am passionate about what I'm writing about. Gets mo?

E bakit nga ba Green Minded? E kasi Pervert tlaga ako... Yes. I admit it. I could be greener than the most crass person alive. Give me a word and I'll give you a way how to relate it with dirty sex. ahehhehe.. Kidding aside, I think its only natural for me, for us to think about it. Because we are in our early adult years, where sex is rampant ang rubber is cheap. I'm not saying that I've indulged in it. It's just that I'm more educated (with sex)than other women and I'm more open-minded than most women. Aside from the fact that I attended a college where male hormones are raging 24/7 and sex talk is as ordinary as breathing your share of Metro Manila's polluted air. Mag eng'g ka ba naman ewan ko kung di ka magmukhang lalake! Join the boys talk or be OP forever. There were times when I would even initiate it and my boys would cringe at the great degree of pervetedness that they have taught me. Haha. I've been a corrupted soul the very first day I set foot at Eng'g. It's actually liberating to admit that because it makes other people sort of... become comfortable with you. They'd have the idea that you can talk about anything under the sun. That you are a real and unpretentious person. Well, I have been like this since I can remember. What you see is what you get.

Isa pa, I believe that green-minded people are very good innovators, because there's nothing that could limit their very wild imagination. They could think of anything they like. They are more understanding than most people are. They have the whole universe in their thinking caps. I want to be like that. O diba? Kaya ung ako sayo mag-green ka na? Sige na... indulge.. ahehehe..

At shempre para may impact... Son of Moto na background ang pinili ko... wala lang. Green kasi ahehe. I could always choose the pink one... Kasi I'm still maarte pero mas may dating sakin toh. Mas astig.

PROUD TOMASINOS ROAR FOR FOUR

Nga pala... UST Salinggawi won in the cheerdance. This is our 4th straight year. ROAR FOR FOUR ang drama ng LOLAH moh! I wasn't able to watch it, but I'm very happy about it. My startgroup-mate Eric, UP magna cum laude I think, was sad about it that he started to write about it in the forums. I actually made some retorts on his claims. But I haven't posted it... yet. Being my bitchy self, I'm still editing out some foul statements and still cross checkin' if may have written offensive stuff to him, since they lost to us, (by a fraction of a point, 0.22 to be exact). Since the first time that I met him, he's been talking about CDC like it matters to him big time, so I'm very careful not to get into his nerves.

I also tried to strike a chat with an officemate about it. I actually got disappointed at how she reacted about it when I told her the 'GOOD NEWS" since we are both Thomasians. Sabe nya: "Oo nga eh, hanggang dun na lang tayo..." I'm not appalled by her disloyalty, because I also, have times when I don't like being Thomasian, (but hopefully, I'm proud I am most of the time). I'm more concerned about the negativity that she saw in the good news. There's a reason to celebrate yet she sees the reason not to celebrate. Such nega... Like Thomasians don't have hope in other fields. I just hate it when people do not see the bright side. I just hate when they criticize destructively. I just hate it when people disregard the efforts of other people. If she means about basketball, then she should also think that UAAP's overall winner has been UST for the past 32 years. I'm in my open-mindedness mode, so I tried to figure out how I could understand her without pissing myself off. But, I'm already disappointed. I'm just sorry I initiated that conversation. I pretended to have went back to work before I could even stir an argument with her. She's a senior but I am a no hold's barred debater when somebody starts on me.

Enough said for my first blog. Haha.. wala kasi ako magawa kanina.. I'm getting tired of having to solve many EE problems... ('been preparin' for the board since april... lapit na... sa november 5-6, 2005, i would write about it one of these days) saka I've been rolled-off a project dito sa work koh... kaya no tasks for me today. I actually missed having to write my ideas. I'm used to typing my ideas kase rather than literally writing it, kaya i can't do it unless i'm in front of the computer. ü

BTW, i really want to share this :

http://ustexchange.yehey.com/124/the_glory_of_winning_and_the_agony_of_losing